NEWS & INSIGHTS
ULTRASOUND
TIYAN: Bawal kumain o uminom (manigarilo o ngumuya ng chewing gum) sa loob ng 8 oras bago ang iyong appointment.
BALAKANG: Kailangang mong uminom ng 34 oz (o 1 litro) ng tubig 1 oras bago ang iyong appointment. Huwag umihi bago ang iyong pagsusuri.
TIYAN AT BALAKANG: Bawal kumain or uminom sa loob ng 8 oras bago ang iyong appointment. GAYUNPAMAN, kailangan mong uminom ng 34 oz (o 1 litro) ng tubig 1 oras bago ang iyong appointment. Huwag umihi bago ang iyong pagsusuri.
OBSTETRIC: Kailangan mong uminom ng 34 oz (o 1 litro) ng tubig 30 minuto bago ang iyong appointment. Huwag umihi bago ang iyong pagsusuri.
PROSTATE (TRANSRECTAL): Gumamit ng Fleet enema 2 oras bago ang iyong pagsusuri (mabibili ang kit sa inyong botika). Kailangan mong uminom ng 34 oz (o 1 litro) ng tubig 1 oras bago ang iyong appointment.
BATO: Bawal kumain o uminom sa loob ng 3 oras bago ang iyong appointment.
BATO AT PANTOG: Bawal kumain sa loob ng 3 oras bago ang iyong appointment. Mag-umpisang uminom ng 34 oz (o 1 litro) ng tubig 1.5 oras bago ang iyong appointment at ubusin ito 1 oras bago ang iyong appointment. Huwag umihi bago ang iyong pagsusuri.
IBA PA: Walang kinakailangang paghahanda para sa sumusunod na mga pagsusuri: Thyroid, Dibdib,Scrotum, Extremity at Vascular Ultrasound.